Pharmacology
Yan ay isa sa mga subjects ko ngayong sem. Ngayon ko lang nalaman na nakakapagpasakit talaga ng ulo ang mga gamot lalo na pag kinakabisado mo na ang mga pangalan nila at hindi mo sila iniinom. Tulad ng Advil mas kelangan siya pag masakit ang ulo mo, pero pag inaral mo na, kekelanganin mo na siyang inumin pagkatapos. Ang Diatabs, nakakapagpawala ng sakit ng tiyan pero pag inaral mo na e matatae ka na kakaisip. Iyan ang mga kabalintunaan ng aking pagaaral ng mga gamot.
Nalaman ko sa pag-aaral ko ng mga gamot ay...
1. Walang gamot sa taong tamad.
2. Walang gamot sa hardware.
3. Walang gamot sa panget.
4. Walang gamot sa torpe.
5. Walang gamot sa matakaw.
6. Walang gamot sa tsismosa.
7. Walang gamot sa bading.
8. Walang gamot sa gobyerno natin.
9. Walang gamot sa pusong sugatan.
10. Walang gamot sa sakit ko.
Ilan lamang ito sa mga natutunan ko. Maraming pang iba, hindi ko lang sila mabanggit lahat pero marami, promise. Magpasahanggang ngayon ay di ko pa rin matukoy kung anong gamot ang kelangan kong inumin. Ang alam ko lang kelangan kong aralin maigi ang mga gamot dahil kung hindi wala akong kinabukasan sa nursing. Bow!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home