Friday, October 20, 2006

Sampu

Pagkatapos ng final exam namin sa Pharmacology nung isang araw, lumabas sa 10th floor ang resulta ng aming pagsusulit. At sa di ko maunawaang pangyayari ay napabilang ako sa ika-sampung mag-aaral na nakakuha ng mataas na grado. 85% ay mataas na daw. Ang di ko maintindihan ay kung may naitulong ba ang pag-Dodota ko nung isang araw na inabot kami ng umaga? Isang misteryo sa akin ang kaadikan namin ng kapatid ko at ng kaibigan niya (na isang kagalang-Galang na abogado at dekano ng isang unibersidad na itatago ko na lang sa pangalang Dave) sa Dota. Sa pag-aaral at pagkaunawa ko sa iba't-ibang mga gamot ay wala pa akong natuklasan o nalamang gamot sa kaadikan sa Dota. Ba't ba napunta sa Dota? Anyway, hindi sa pagmamayabang, may ilan sa mga sagot ko na mali ay dapat sana tama na nakadagdag pa sana sa puntos ko kung may oras pa sana ako para pagaaralan ang tanong, yun nga lang dala ng pagmamadali at kakulangan sa oras ay hindi ko na nagawang mabago ang mga sagot ko. Ako nung una ay puno pa ng pagsisisi pagkatapos ng pagsusulit dahil sa aking ka-t****han ngunit napagtanto ko na na dapat pa rin akong magpasalamat dahil sa nakuha kong marka. Sa lahat ng bumubuo ng GMA Kapuso Foundation, maraming salamat sa taos puso niyong pagsusuporta sa ating mga kapus-palad na mga kababayan. Sa susunod kong exam mamayang hapon sa NCM-RLE ay sana mataas din ang makuha kong marka. Wish ko lang! Teka, ba't nandito pa ko, makaligo na nga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home