Friday, January 12, 2007

Blanko

Medjo late na. Dapat tulog na ko sa mga ganitong oras. Ayoko ng nagpupuyat. Hindi ako nakapag-blog last month. Hindi ko rin nagawan ng mga ikekwento ang sarili ko. Bagong taon na, meron bang nabago sakin? Ganun pa rin ang celpon ko 3350, ako na lang ang hindi sumusuko sa kanya pero kung nakakapagsalita lang siya e malamang gusto niya nang magretiro. Parang nakuntento na lang kasi ako maliban sa wala naman talaga akong perang pamalit. Ok na rin. Natuto akong makuntento ngayong taon. Salamat sa celpon ko. Sana maka-5 years na siya sa November. Gawa na ung bahay namin pero may ilan pang dapat gawin. Mukha na siyang tirahan ng tao. Gusto ko ng magpataba ngayon. Sinubukan kong bumalik sa pagwowork out. Bumili na kasi kami ngayon ng gym equipment. Ayos. Bago hairstyle ko. Imbes na sa kaliwa ang paling ng buhok ko e ginawa kong sa kanan. Ok naman, medjo presko kasi maikli ang gupit ko. Nakita ko ung crush ko kanina. First time ko ata siyang makita this year after ko bumusita sa kanila after Christmas at regaluhan ng bagoong at cookies ang Nanay niya. Sana lang hindi niya isawsaw ung cookies sa bagoong. Crush ko pa rin siya hanggang ngayon. Mukhang next year crush ko pa rin siya pero baka may madagdag lang this year. Hanggang crush lang muna ko ngayon. Ayoko yatang magkaheart-attack. Mahirap mawalan ng GF lalo na kung sabay-sabay. Busy ako sa school ngayon, medjo nag-aaral na ko. Nag-email pala ung isa kong pinsan, ang saya kasi close kami kahit na Kana siya. May picture pa sila para sakin. Siya ung naka-pula. (Teisha, Jenee, Zach 2nd row: Rebecca and Autumn) May lihim na pagtingin ako sa kanila pero hanggang lihim na lang un. Siguro kelangan ko ng matulog kasi antok na rin ako nararamdaman ko na kasing tumataas ang aking serotonin, at ito ang dahilan kayo tayo inaantok. Babay!

2 Comments:

Blogger kapihan sa kanto said...

hello! "lihim na pagtingin"?? okay ka lang, ano yun, incest?? ;)

ps sino crush mo?

7:18 PM  
Blogger boy okoy said...

Jolegs marami nga Buddeh! Pati nga pinsan ko e. Actually ung nakaputing blouse crush ko. hehehe... Salamat sa pagdaan. :D

7:37 AM  

Post a Comment

<< Home