Bilis
Medjo mabilis talaga ata ang panahon. September na nga pala. Di ko na kasi tinitignan ang date ngayon. Mas gusto kong isipin na March na para tapos na ko sa nursing. Excited na kasi ako mag-board exam. Gusto kong matesting sarili ko if I can hit the passing mark in one shot. Parang title shot to ni Manny Pacquiao. Kelangan isang suntok knock-out na at hindi suntok sa buwan. Pero bago ko dumating dun e kelangan ng matinding training. Ang problema napipikon na nga ko sa mga lectures namin. Maganda at interesting sana ung mga topics namin for MS kaya lang may problema kami sa mga instructors namin. Badtrip pa ko talaga dun sa bading namin na instructor ngayon. Hindi naman talaga mahirap ung mga lectures, ang problema ang daming mga segways at sinisingitan pa ng mga kung anu-anong chervalou at eklavou. Bukas eval exam na namin sa Endo, eto na naman po kami. Anong klaseng grade na naman ang makukuha ko. Bukas na lang ako mag-aaral. Mabuti pang matulog na lang ako ng maaga at baka mapaginipan ko pa ung mga sagot. Ah basta, alam ko darating ako dun sa dulo. Konti na lang...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home