Thursday, June 07, 2007

Antipolo

Dapat kasi bakasyon ko pa rin hanggang ngayon. Ang tinamaan ng magaling naming school na itatago ko na lang sa akronym na MHCN ay kelangan maghabol ng mga cases para sa mga incoming 4th year na katulad ko kasi sa dami ng mga estudyante sa school namin e kelangan mauna kami para hindi kami magkaproblema bago maggraduation. Sa iba kasing school, bago sila mag-4th year e tapos na nila ang cases nila sa OR at DR. Kelangan ko pang magpaanak ng pitong mga buntis para makuha ko ung requirements ng PRC para makapagboard exam ako next year. So far ok naman ang duty namin, nakakasawa lang nga ang itsura ng mga nanganganak. Un at un din ang makikita mo. Medjo puyat na rin ako at nauubos na ang kaunting taba na naipon ko. Sana matapos ko 'to bago magpasukan.
"Tayo na sa Antipolo at doon mag-paanak tayo..."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home