Wednesday, January 24, 2007

Inis

Nababanas kami ngayon sa bago naming CI sa area namin sa Nursery. Napaka-mitikuloso! "Oi ano yan?" "Ay ang bagal mo naman..." kesyo ganyan, kesyo ganito. Minsan gusto ko na siyang sakalin ng stethoscope o kaya paluin na oxygen tank o kaya saksakin ng thermometer sa ilong. Lahat na lang ng bagay e may napupula sa amin. First day namin ng duty kahapon at may violation agad kami. Kumakanta kasi ung classmate ko at nagtatatawanan kami, biglang bumukas ang pinto at sumilip siya sabay sabi, "May violation kayong lahat. Kuhanin niyo ang inyong mga violation slips mamaya." E hindi naman kami ka-ingayan at sarado ung pinto. Gusto ko sana siyang sagutin ng, "Ma'am, hindi po kami nagjay-walking." Badtrip pa kanina 3-beses tumae ung alaga kong baby. Buti na lang baby pa siya kung hindi malamang na-smack down ko na siya. Paglinisin ba naman ako ng jerbaks niya na kulay meconium (slimy-green). Bukas eto na naman kami... babasain ko na lang ng tubig ung bulak at ipapasak sa tenga ko. Rawr!

2 Comments:

Blogger Marye said...

nakakatuwa namang pangyayari sa buhay yun..at least meron ka nang naunang mental patient bago pa man ang duty mo sa totoong institution. hehehe.

9:57 PM  
Blogger Molly said...

buddy, katok-magnet ka talaga! ;)

7:28 PM  

Post a Comment

<< Home