Sunday, January 20, 2008

Community

Nakakadalawang linggo na din kami ngayon sa Antipolo. Araw-araw tuwing Lunes hanggang Biernes eh kelangan namin gumising ng maaga para hindi kami mahuli sa call time namin ng 6:30 kasi kung hindi magkaka-tardy slip kami. Ibig sabihin pag naka-tatlo kaming tardy slip my libre kaming violation. Ilan samin sinipon na, ung iba namayat na (pero natuwa naman kasi matataba sila), ung iba umitim na (ako di halata kasi maitim na ko), ung ilan nawalan ng celpon dahil nanakawan sa jeep, at lahat ay nawawalan na ng gana lalo pa nalaman namin na sa November pa kami makakapag-board exam dahil sa dami ng magtetake eh hinati na ung populasyon ng mga mageexamine. Tuwing Biernes eh minamarapat naming mag-unwind at manood ng sine sa Gateway. Napanood namin ang I Am Legend ni Will Smith nung unang linggo at ng sumunod ay ang Alvin and the Chipmunks. Pagkatapos ng aming mga duty ay isasalang naman kami sa exit interview. Sadya nga ba talagang mahirap ang kursong nursing? Kung sa bagay ang salitang "toxic" ay narinig ko lang sa mga nursing students at nurses dahil di ko narinig un na sinabi ng kapatid kong abogado kahit nung nag-aaral pa siya at nagrereview sa kayang Bar exams. Ganito ang tamang paraan ng charting na ginagawa namin para pantanggal ng toxic...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home