Tuesday, November 28, 2006

Pinning

Nagcapping na din ang school namin sa wakas nung Friday, Nov. 24. Tamang hilaw na nurse na ko. Mga humigit-kumulang na isang taon na lang at magiging R.N. (Retarded Nurse) na ako. So far mahihirap na ang topics namin pero masaya naman ako at nanalo si Pacquiao dun sa huli niyang laban kahit na walang mga tubig ngayon sa ilang parte ng Maynila. Hindi pa rin tapos ang bahay namin, mahigit isang taon nang ginagawa ng karpintero namin e kulang na lang siguro ay bigyan na namin siya ng SSS ID at Pag-Ibig sa tagal niyang nagtatrabaho samin. Sa tingin ko magiging masaya naman ang Pasko ko ngayon kasi wala akong GF at wala din akong pera. Kakain na lang ako ng kakain at kakausapin ang aso ko. Teka mag-aaral pala ko, may quiz pa ko bukas. Wala na akong ma-isip. Jan ka na...