Friday, February 22, 2008

Finishing

Malapit na ko matapos ng pag-aaral. Di ko iniisip ang mga requirements o mga exams o yung exit interview namin. Ang iniisip ko eh ung mga exams na kukuhanin ko pagkatapos ko makagraduate. Kahapon lang lumabas ang resulta ng local board exam, at napaisip tuloy ako kung panong paghahanda ang aking gagawin. Nung isang araw lang nalaman ko na nakapasa na ng NCLEX exam ung kaibigan kong nurse. Kung siya ay maraming pang bigas na kakainin ako naman eh nagtatanim pa lang ng bigas. Kanina natapos ang final exam namin. Sa mga lumipas na araw ay tila'y napakabilis dahil nasa duty kami. Di ko man lang nakwento ang mga pangyayari sakin ng nasa ICU ako pagkatapos ng duty namin sa community. Nagawa ko na din magpanggap na isang head nurse ng isang araw at magendorse ng 11 pasyente. Nadistino din ako sa emergency room na kung saan naranasan kong mag-CPR sa isang pasyente ngunit sa kasamaang palad ay di ko siya nabuhay kaya wala akong plus sa grade. Pagkatapos nun ay peteks na kami sa 6D na ward. Sa susunod na linggo ay masasalang na kami sa exit interview. Para sakin ay wala na siyang dating kasi wala naman akong mararating kung hindi ko masasagot ang tanong na mabubunot ko. Anong oras na ba? May review pa ko bukas. Ang hirap naman maging nurse, sana naging kamukha ko na lang si Brad Pitt...