Friday, July 25, 2008

Nurse

As of 9:54pm, July 24, 2008:

Official release of the results for the June 2008 Nursing Board Exams.

Congratulations to my friends! We are nurses.

To God be the Glory!

Monday, July 21, 2008

Tsinelas

Minsan nakita kong sinuot ng aking Itay ang regalong graduation gift (o di ba redundant?) ng aking mga kapatid sakin na tsinelas na Havaianas na silver. Siguro wala lang siyang madampot na tsinelas nun. Habang sinasamahan ko siya maglinis ng kanyang kotse napansin ko na naapakan niya ang isang jerbaks ng aso sa kanyang tabi. Bingo! Ang aking minamagandang tsinelas ay nakaapak ng mina! Bigla ko na lang nasabi, "Wow, Daddy, mahal yang tsinelas ko na yan." At ang kanyang nasabi lang ay, "Eto? Tadtarin ko pa 'to e." Walang siyang alam sa Havaianas at wala siyang galit dito o anuman, sa tingin ko nabad-trip lang talaga siya sa naapakan niya.

Got this from my Buddy. This one is a winner! This is for all those Havaianas fanatics. Personally, I go for Crocs. Haha! Just kidding, anyway...

Havaianas vs Spartan

Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).

Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 30-40 pares ng Spartan.

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay
nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So
baduy naman nila, naka-slippers lang.")

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!


Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas



Pugad Baboy is DA BEST!