Mental
Nakaligtaan ko ikwento ang mga pangyayari sa huli kong duty dun sa Mental. Alam kong marami sa aking mga suking tagasubaybay ang nais makaalam ng mga kaganapan sa huli kong duty. Nakilala ko dun si Virgilio. Isang 50-anyos na ata siya, un ang sabi niya, di ako sigurado kung sino ang mali samin. Anyway, kung una siyang titignan ay mukha namang normal ngunit eto ang naging bahagi ng usapan namin sa una naming pagkikita. Nakasanayan na nilang magpakilala ng ganitong pattern.
Unang araw...
Virgilio: Ako si Virgilio Ursuha Estrada. Dating Katoliko na ngayo'y converted na sa Muslim sa pangalang Mohammed Ursuha Estrada. Apo ni Eugenio Ursuha at pinsang buo ni Jose Rizal. (Asteg di ba sanpits niya si Rizal? Malay natin baka utol niya si Datu Humabon)
Ako: Ah ok. Kamusta naman po kayo? (Medjo matinong tanong)
Virgilio: Ok lang. Pero kanina lang po sinaniban ako ng kapangyarihan ng isang daga. (Wow! Nag-ala Mighty Mouse) Di lang po un, kambal pa sila. (May kakambal si Mighty Mouse?!) Pero sa kasamaang palad ay patay na sila, sa katunayan nasa Mindoro sila ngayon. (Ah, yun naman pala e...)
Ikalawang araw...
Virgilio: Ako si Virgilio Ursuha Estrada. Dating Katoliko na ngayo'y converted na sa Muslim sa pangalang Mohammed Ursuha Estrada. Apo ni Eugenio Ursuha at pinsang buo ni Jose Rizal at ang student nurse ko ay si Shen. (Sabay turo sa Chinese ko na classmate)
Ikatlong araw...
Virgilio: Ako si Virgilio Ursuha Estrada. Dating Katoliko na ngayo'y converted na sa Muslim sa pangalang Mohammed Ursuha Estrada. Apo ni Eugenio Ursuha at pinsang buo ni Jose Rizal at ang student nurse ko ay si Shen, at hindi pa niya binibigay ung hiningi kong toothbrush. (Buti hindi ung hardware nila)
Huling araw...
Virgilio: Ako si Virgilio Ursuha Estrada. Dating Katoliko na ngayo'y converted na sa Muslim sa pangalang Mohammed Ursuha Estrada. Apo ni Eugenio Ursuha at pinsang buo ni Jose Rizal at ang student nurse ko ay si Shen.
Ayun hanggang dun na lang yun.
Isa lamang si Virgilio sa mga pasyente namin sa Mental. Meron pa itong isa, itago na lang natin siya sa pangalang Jose. Mang Jose for short. Etong si Virgilio ay may hawak na diyaryo ng biglang lumapit si Jose.
Jose: Tara, basa tayo ng balita.
Virgilio: Eto oh! (Sabay basa sa balita) Lihim ni Ate Vi ibubunyag.
Jose: Ha?! Wag nating basahin yan!
Virgilio: Baket naman?
Jose: E kung babasahin natin yan malalaman natin ung lihim niya. Lihim nga yan e, ba't mo pa babasahin? Kung malalaman natin un e hindi na magiging lihim un di ba?! (Hmm...may katuwiran naman)
Etong si Raul, nang kami'y papauwi na ay nakadungaw sa bintana, bigla siyang napansin ng aming CI (Clinical Instructor), "Uy! Si Raul oh! Kaway kayo." Raul talaga ang pangalan niya. Ung classmate ko Ryan ang pangalan. Pero maayos ang kanyang pagiisip.
At ang aking pasyente na si Pong. Di ko siya gano makausap ng matino. Sinikap ng inyong lingkod na abutin ang kanyang level pero ako'y nabigo dahil may kausap siya palagi. Lagi kasi siyang parang may kausap pero wala naman talaga. Kung baga sa YM, lagi siyang may ka-chat kahit offline naman lahat ng friends niya. Minsan tatawa, minsan ngingiti, minsan parang galit, minsan... minsan parang gusto ko ng batukan kung wala lang ung CI namin.
Sa pagpapatuloy ng aming pag-aaral, kami'y nabigyan ng pagkakataon na libutin ang buong institusyon. Duon nasaksihan namin ang iba't-ibang uri ng mga taong may sakit sa pagiisip. Ung iba nakahubad lang 24/7, 365 days a year. Pero "IN" lang sila pag summer, lalo na sa Boracay. Ung iba naman nakayuko lang. Siguro nagcoconcentrate lang sila. Ung iba, nagwawala. Kaya nakatali sila sa upuan o kaya sa kama. At marami sa kanila ang naglalakad ng paikot-ikot tila, wari'y, parang namamasyal. Siguro naglilibang lang sila. Minsan nakakalungkot, minsan nakakatuwa, minsan nakakaawa, minsan nakakahawa. Kaya tinuring ko na rin silang mga "homies" ko.