Kung papansinin mo parang ang bilis ng panahon. May mga ilang bagay lang akong naalala pa nung bata pa ko.
1. Inabutan ko pa ang ChickenJoy na P24 lang. Wala pang singles nun. Una kong Jolibee na kinainan sa may Ronquillo sa Avenida kasama ang Erpat at Utol ko. May libre kaming lapis at si Jolibee ang pambura. Masaya na kami nun. Wala pang McDo. Un ang unang Jolibee sa Pinas. Trivia yan! =)
2. Natuwa ako sa unang tagalog sa pelikulang pinanood ko sa Luneta theater. Wala pa kasing mga malls nun tulad ng SM na may sinehan. Un ay ang Ninja Kids. Bata pa si Herbert Bautista pati si Francis Magalona na Francis M. na siya ngayon. P8 lang ata ang bayad sa sine.
3. Nagbabaha pa nun sa tapat ng bahay namin at sa mga kalsada samin. Pero dahil di pa uso nun ang leptospirosis ay ok lang na lumangoy kami ng Utol ko sa baha. Para samin ang baha ay parang swimming pool namin tuwing malakas ang ulan.
4. Tuwing Sabado namamalengke kami ng Tatay at Nanay ko sa Divisoria. Wala pang Tutuban Mall at Cluster Building nun. Dun kami sa Tabora at Ilaya namamalengke ng mga gulay ay prutas.
5. Dati kasya kaming apat na buong pamilya sa isang motorsiko. Ngayon apat kami na marunong magdrive maliban sa Nanay ko pero lahat kami may lisensya.
6. Di pa uso nun ang mga sidecar at ang mga sidecar boys. Nilalakad lang namin ng Nanay ko pag hinahatid niya ko sa eskwela kaya di matraffic.
7. Ang mga anime nun ay ang Voltes V at Daimos. Pero sa lahat si Astroboy ang pinaka gusto ko. Nauna ang mga Bioman at sumunod naman si Shaider sa channel13. Pag tapos nun ay Ok ka, Fairy ko, na unang lumabas si Alice Dixson na siyang crush ko nun pati sa commercial niya sa shampoo. Sa channel 9 dati ang Eat Bulaga pinapalabas tuwing tanghali. Wala pang tatoo nun si Aiza ung una siyang madiskubre ni Bosing.
8. P1.25 lang ung Coke solo nun. Ang Coke litro P5. Ang 500ml P2.50 lang. Iniipon ko nun ang mga tansan kasi nilalaro namin un kasama ng mga tau-tauhan na mga laruan ko.
9. P1 lang ang pamasahe nung elementary ako. 25 centimos lang ang pandesal. Unang mall na napuntahan ko ay ang Grand Central nung grade 6 pa ko at nanood kami ng "Honey, I shrunk the kids." Di pa siya pugad ng mga ngongay (katulong) nun. Sikat na sikat ang mall na un.
10. Wala pang mga Crocs nun at mga Havaianas. Sikat nun ang Rambbo, inspired by the movie ni Silvester Stallone na Rambo. Pero double B talaga ung spelling niya sa tsinelas. Ginagamit ko un sa laro naming football kasi ang kapal ng swelas. Tapos sumunod ang Islander na gawa ng Kaypee na pinaka-mahal na tsinelas na natatandaan ko noon.
Ayoko ko ng damihan at baka magmukha pa kong matanda. Kayo? Ano inabutan niyo? Malamang si Mark Rehas at Jennylyn Markado ng Startruck noh? Hahaha!