Hibang-abang
Kaninang tanghali papasok na ko sa duty ko sa Nursery para magpa-dede at maglinis ng mga jerbaks ng mga baby. Bumababa ako dun sa abangan ko ng jeep sa may riles para sumakay pa ng jeep papunta sa ospital namin. Habang ako'y nag-aabang ng jeep may nakita akong ale na maitim at nakashorts na madungis na wari'y sumisigaw na tumatawid na pawang papalapit pa sakin. Bigla siyang tumabi sakin at bumati ng, "Papasok ka na ba Kuya?" Lumingon ako at medjo pahapyaw lang na tumingin sa kanya. Nagsalita siya ulit, "Kuya ang bango-bango mo naman." Naisip ko tama naman siya. So walang mali sa sinabi niya. Siguro expressive lang talaga siya sa naamoy niya. Hindi ko na lang siya pinansin kasi medjo madungis siya at mukhang may katok pa. May napansin na kong jeep na paparating na paparahin ko na ng bigla din siyang pumara dun sa jeep. Bigla pa niya akong inalalayan sa pagsakay ko ng biglang sumakay din siya! Kala ko naiwan na siya! Buti na lang maluwag ung jeep pero marami pa ring nakasakay (ewan ko kung pano nangyari un) kaya medjo magkatapat kami. Bigla niya na kong kinausap ng kinausap. Kung ano-ano na ang kinukwento niya sakin. "Kuya doctor ka ba? Nauntog kasi ung asawa ko e medjo nabaliw na kaya gusto ko sana malaman kung anong pede kong ibigay na gamot. Pede mo ba kong resetahan?" Naiilang pa ko sa kili-kili niya kasi may buhok na e maitim pa pero smiling face naman siya. Sabi ko na lang, "Pa-check up niyo na lang ho sa doctor." Napapansin ko na nagngingitian na ung mga katabi ko at pinagtitinginan na kami. Di pa siya nasiyahan at dumungaw pa para tignan lang ung nameplate ko. Buti na lang hindi niya nabigkas pangalan ko at Garcia lang nasabi niya. Medjo napaisip ako, duty ko pa naman sa mental hospital next month hindi ko alam na mapapaaga ang dating ng pasyente ko. Badtrip! Di ko pa matandaan ung mga inaral ko sa psych tungkol sa may mga mental disorder at kung pano sila patutunguhan. Wala pa naman akong dalang Nanda (a.k.a nursing book). Ayan! Malapit na kong bumaba. Ayos. Kinakabahan ako baka sundan ako. Alam ko naman na gwapo ako pero kahit pala may mga sayad e nakaka-appreciate ng itsura ko. Astig talaga. Ang puti pa naman ng suot ko. Parang talagang ang linis ko at mukhang naligo. Nung pumara na ko ngumiti ang kanyang bungi at sabi niya, "Ingat ka ha! God bless!" Ayos... how thoughtful, how Goldilocks.